Tuesday, July 23, 2013

Buwan ng Wika (Wika Natin Ang Daang Matuwid)

Next month we Filipinos are celebrating our "Buwan ng Wika", so for now my blog will be in Tagalog nah. Para sa akin na taga-Mindanao mahirap talaga magsalita ng straight tagalog. Sometimes mabubulol at malilito ako but I need to work with my tagalog from now on. 
Tuwing sasapit ang Agosto ipinagdiriwang nating mga Filipino ang buwan ng wika. Nong, nag aaral pa ako hindi ko talaga maintindihan kung ano ang kahulugan ng pagdiriwang ng buwan ng wika. Sabi ng guro ko ito daw ang nagbubuklod sa ating mga Filipino. Nang lumalaki na ako narealize ko tama pala... Kung sa bahay hindi pa kami magkakaintindihan na pareho kaming nagsasalita ng bisaya ano pa kaya kung sa buong bansa. Paano tayo susulong kung mismong tayong mga Pilipino ay hindi magkakaintindihan. Kung pagbabasehan mo ang mga bansang mayayaman tulad ng Amerika, Japan, Englatera at iba pa ay isa lamang ang salita na kanilang ginagamit. Marahil isang kadahilanan kung bakit maunlad ang kanilang bansa ay dahil sa nagkakaintindihan sila at nagtutulungan. Paano ka tutulong sa iyong kapwa kung hindi mo naman siya naiintindihan. Baka bigyan pa ng ibang kahulugan ang iyong pagtulong. I want to share something when I was in Manila 2 years ago. Nong dumating kami sa Maynila ng madaling araw galing Ilocos Sur at pasakay na kami ng taxi papuntang airport ay hiningan kami ng 500 pesos nah bayad ng driver ng bumaba na kami, nagulat talaga ako dahil sa ang lapit lang naman ng Pasay terminal hanggang airport. Nong panahon na yon nainis ako sa driver ng taxi at nasabi ko sa sarili na "ayaw ko ng bumalik ng Maynila napakamapagsamantala ng mga tawo dito". Generalize ko agad lahat ng taga-Maynila without thinking na hindi naman siguro ganon lahat ng tao doon. Sinabihan pa ako ng mama ko na kasama ko sa tour na iyon na "okay lang yan hindi ka rin naman tumawad". Nganon ko lang naintindihan na kung sana magaling akong magtagalog nakahingi ako ng tawad sa kanya. At sana maiintidihan ko rin ang driver ng taxi na magdamag na nagaabang ng pasahero at baka gusto na ninyang umuwi. Sana may ngyaring komunikasyon sa aming dalawa. At kung nakinig at nagkaintindihan lang kami ng driver baka may mga aral kaming mapulot sa isa't isa.  Sa simpling sitwasyon na iyon maintindihan mo na wala talagang nangyaring komunikasyon sa aming dalawa ng driver ng taxi dahil sa hindi ko siya maintindihan at hindi rin nya ako maintindihan. So paano kami magtutulungan kung hindi naman nagkakaintindihan.
Kung ginagamit at pinagmalaki lang nating mga Filipino ang ating wika ay baka malayo na ang narating ng ating bansang Pilipinas. At baka mas maunlad na tayo nganon kaysa ibang bansa dito sa Asya. At kung nag kakaintidihan at nagtutulungan lang tayong mga Pilipino baka iba na ang estado ng ating buhay ngayon. Pero hindi pa huli ang lahat may oras pa para bagohin natin ang ating sarili, may oras pa para simulan nating magbago at ipag malaki sa buong mundo na tayo'y Filipino at tayo ay magtutulongan para sa bansang matuwid. 

Mabuhay ang mga Filipino!

No comments:

Post a Comment